Human smuggling sa Quezon mino-monitor
February 23, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Masusing minamatyagan ngayon ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), Quezon Intelligence Group at iba pang ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan sa paglalayag sa karagatan ang mga barko at lantsa na dumaraan at naglalayag sa karagatang sakop ng Lamon Bay partikular sa Lopez, Quezon kaugnay ng ulat na ang ilan sa mga ito ay ginagamit na sasakyan ng mga sindikato ng human smuggling.
Ayon sa ulat na tinanggap ng QPPO, noong nakaraang Pebrero 6, ganap na alas-5:00 ng umaga ay isang foreign vessel ang namataang nakadaong sa karagatang sakop ng Barangay Handagua na may 10 kilometro ang layo sa pampang.
Ang naturang sasakyang pandagat ay sinasabing naglululan ng mga dayuhang pawang Chinese nationals at hinihinalang sa lugar na ito pumupuslit papasok sa bansa.
Sa dis-oras umano ng gabi isinasagawa ng sindikato ang operasyon ng human smuggling sa tulong na rin ng ilang mga corrupt na government officials kapalit ng malaking halaga.
Hinihinala ng mga awtoridad na ang kaluwagan sa pagpapatupad ng mga batas sa lalawigan tungkol sa coastal area nito ang nagiging dahilan upang maengganyo ang mga sindikato na sa mga karagatang sakop ng Quezon sila pumasok. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
56 minutes ago
Recommended