Kasabay nito, iginiit ng mga picketers kay Villena, Bayombong diocese na bigyan muna sila ng hanapbuhay bago nito hilingin ang pagpapahinto sa jueteng operations sa nabanggit na lugar.
Inakusahan ng mga kubrador ang naturang bishop na hindi makatarungan, dahil sa hindi nito binibigyan ng pansin ang kanilang economic situation."Sa pamamagitan lamang ng jueteng kami nabubuhay", ayon kay Grace isang kubrador sa bayan ng Solano.
Gayunman, sinabi naman ng bishop sa mga picketers na hindi ang simbahan ang tamang lugar para sila magpiket.
"Sinabi ko sa kanila na magpunta sila sa job placement agencies o di kaya kay Gov. Rodolfo Agbayani kung gusto nilang magkaroon ng trabaho", pahayag pa ni Bishop Villena.
Magugunitang nagbanta ang bishop na ihahayag niya sa publiko ang mga personalidad na kabilang sa jueteng payola list kung hindi tuluyang mawawala ang jueteng operation sa lalawigan.
Ang listahan umano ay ibinigay sa kanya ng isang dating jueteng operator na dito ay kabilang ang mga pangalan ng local officials, police officials at iba pang kilalang personalidad. Binanggit pa ng ilang sources na kabilang din sa listahan ang ilang paring Katoliko. (Ulat ni Charlie Lagasca)