Ayon kay Romy Tabanlar ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay naramdaman sa Samar, Catbalogan, Villareal at Pinababacda sa lakas na intensity 5 sa richter scale.
Intensity 4 naman sa Talalura Tarasan, Samar at intensity 3 sa Basay Calbayog, Tacloban at Palo Leyte.
Nabatid kay Tabanlar na ang pagyanig ay dulot ng paggalaw ng Philippine trench sa North West ng Samar at tectonic ang origin ng lindol.
Sinabi ni Tabanlar na inaasahan ang aftershocks sa Samar area ayon sa time to time record na naitatala ng kanilang instrumento subalit ito ay mahihina na lamang.
Wala namang napaulat na namatay at nasugatan sa insidente at wala pang ulat kung magkanong halaga ng salapi ang winasak ng lindol sa mga ari-arian sa nabanggit na mga lugar na niyanig. (Ulat ni Angie dela Cruz)