Pharmacist na dinukot, gagawing asawa ng Sayyaf kumander
February 22, 2001 | 12:00am
Sadyang ipinadukot ni Abu Sayyaf Commander Mujib Susukan ang isang dalagang pharmacist upang gawing asawa sa pinamumugaran nitong teritoryo sa kagubatan ng Sulu.
Sa ganitong pagkakataon hindi ang grupo ng ASG ang hihingi ng pera, kundi sila ang siyang magbabayad ng halagang isang milyon sa pamilya ng kanilang biktima.
Ito ang nabatid base sa pagpapatuloy ng isinasagawang imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) hinggil sa kaso nang pagdukot sa 24-anyos na pharmacist na si Nurhana Tulawie Daud.
Base sa ulat na natanggap ng Camp Crame, napatunayang hindi isang kaso ng kidnap-for-ransom manapay kidnapping-for-a-bride ang naganap na pagdukot kay Daud ng mga tauhan ni Kumander Susukan matapos na magpadala na ng inisyal na dowry na P100,000 ang nasabing opisyal ng mga bandido sa pamilya ng biktima.
Humihingi umano ng permiso si Kumander Susukan sa pamilya ni Daud na pahintulutan siyang maging kabiyak ng kanilang anak.
Inihayag pa sa kapirasong sulat na ipinadala ng ASG commander sa pamilya Daud na nakahanda siyang magbigay ng kabuuang isang milyong dowry upang maging asawa ang dalaga.
Magugunitang si Daud ay dinukot ng mga armadong bandido habang minamaneho nito ang kanyang service jeep sa kahabaan ng Kaunayan Highway sa Patikul, Sulu.
Ang isinagawang pagdukot kay Daud ay bahagi na ng kultura ng mga bandidong ASG na sa tuwing may mapupusuang dalaga na pinahihirapan sila sa panliligaw ay kanila na lamang dinudukot para sapilitang gawing asawa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended