Kasabay nito inihahanda na rin umano ng pamunuan ng New Peoples Army (NPA) ang pagpapalabas ng kanilang permit to campaign na maipagkakaloob nila sa mga politiko na nagnanais na pumasok sa mga bulubunduking lugar para sa kanilang isasagawang mga pangangampanya.
Sa isang panayam kay Major Jose Pardo, information officer ng 203rd Infantry Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte, sinabi nito na magsasagawa sila ng mga pagmomonitor at pagpapatrulya sa mga sinasabing delikadong barangay.
Binanggit nito na hindi pa nila tiyak kung anong mga barangay ang posibleng ideklara ng COMELEC na hotspots sa darating na halalan.
Kinumpirma rin ni Pardo na may ipinalalabas na ang mga NPA na permit to campaign na siyang magiging pases ng mga kandidato sakaling magkasundo sa presyong hinihingi ng mga rebelde bilang proteksyon. Hindi pa malaman ng militar kung magkano na ang presyo sa mga kandidato para sa congressman, gobernador, bise-gobernador, board member, mayor at mga konsehal. (Ulat ni Francis Elevado)