^

Probinsiya

28 barangay nasa listahan ng 'hotspots'

-
CAMARINES NORTE – Dalawamput-walong barangay sa lalawigang nabanggit ang itinuturing na ‘hotspots’ sa darating na eleksyon, ayon sa ulat ng militar.

Kasabay nito inihahanda na rin umano ng pamunuan ng New People’s Army (NPA) ang pagpapalabas ng kanilang ‘permit to campaign’ na maipagkakaloob nila sa mga politiko na nagnanais na pumasok sa mga bulubunduking lugar para sa kanilang isasagawang mga pangangampanya.

Sa isang panayam kay Major Jose Pardo, information officer ng 203rd Infantry Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte, sinabi nito na magsasagawa sila ng mga pagmomonitor at pagpapatrulya sa mga sinasabing delikadong barangay.

Binanggit nito na hindi pa nila tiyak kung anong mga barangay ang posibleng ideklara ng COMELEC na ‘hotspots’ sa darating na halalan.

Kinumpirma rin ni Pardo na may ipinalalabas na ang mga NPA na ‘permit to campaign’ na siyang magiging pases ng mga kandidato sakaling magkasundo sa presyong hinihingi ng mga rebelde bilang proteksyon. Hindi pa malaman ng militar kung magkano na ang presyo sa mga kandidato para sa congressman, gobernador, bise-gobernador, board member, mayor at mga konsehal. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY TULAY

BINANGGIT

CAMARINES NORTE

DALAWAMPUT

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BRIGADE

KASABAY

KINUMPIRMA

MAJOR JOSE PARDO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with