^

Probinsiya

Bangkang-de-motor lumubog: 10 katao patay

-
Sampu katao ang iniulat na nasawi, samantalang lima pa ang nawawala makaraang ang sinasakyan nilang bangkang-de-motor ay lumubog malapit sa Tawi-Tawi, kamakalawa, ayon sa ulat ng Phil. Coast Guard (PSG).

Ayon sa report ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng hapon noong nakalipas na Linggo, gayunman dakong alas-8 na ng gabi ng makarating sa kanila ang ulat.

Binanggit pa sa ulat na ang naturang bangka ay may lulang 58 katao, kabilang dito ang mga pasahero at crew ay umalis ng Tawi-Tawi patungong Sabah, Malaysia nang walang clearance buhat sa coast guard.

Kaaalis pa lamang nito sa Tawi-Tawi nang salubungin ng mga higanteng alon na nagpataob dito, sampu agad ang iniulat na nasawi, habang lima pa ang nawawala.

Sinabi ni duty officer Danilo Corpuz, ng coast guard na ang mga bangkang-de-motor ay regular na transportasyon na ginagamit patungong Malaysia.

Gayunman, umalis ito sa nabanggit na lugar na hindi humihingi ng clearance sa coast guard.

Patuloy naman ang isinasagawang rescue operation sa lima pang pasahero na nawawala. (Ulat ni Leo Solinap)

vuukle comment

AYON

BINANGGIT

COAST GUARD

DANILO CORPUZ

GAYUNMAN

KAAALIS

LEO SOLINAP

LINGGO

PATULOY

TAWI-TAWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with