^

Probinsiya

US$2 trilyong pekeng federal reserve bond, nasabat

-
Nasamsam ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pakikipagtulungan ng United States Secret Service (US-SS) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mahigit sa dalawang-trilyong pekeng US Federal reserve bond at bond certificates, sa isinagawang raid sa Cagayan de Oro City.

Sa ginanap na press conference sa Camp Crame kahapon, prinisinta ni PNP Acting chief, Deputy Director General. Leandro Mendoza ang nasabing halaga ng pekeng Federal bond certificates, gayundin ang may 1.6 milyong pekeng Argentinian dollar, $10 milyon na pekeng German bond certificates at 1, 500 na pekeng Japanese Yen.

Inihayag din ni Mendoza na ang operasyon ay nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga ahente ng CIDG Regional Office 10 sa sinasabing lider ng sindikatong gumagawa ng mga pekeng pera na nakilalang si Archie Mingnoc ng No. 35 San Roque, Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.

Nakatakas naman ang kasamahan nito na si Renato Waban, alyas Jacky ng Agora Road, Barangay Lapasan at iba pa nilang galamay sa sindikato.

Ang raid ay isinagawa matapos na maberipika ng mga awtoridad ang report na sangkot ang sindikato sa paggawa ng mga pekeng pera at bond certificates.

Ayon kay Superintendent Henry Tomas, may hawak ng kaso, ilang buwang nagsagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng CIDG Regional Office 10 laban sa nasabing grupo sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at US-SS na nakabase sa Maynila.

Kinumpirma naman ni David Popp, kinatawan ng Treasury Division ng US Embassy na peke ang mga nakumpiskang dolyar at bond certificates dahil hindi gumagawa o nagpapalabas ng Federal bond certificates ang Federal Treasury Bank ng Estados Unidos at kung maglalabas naman ng US bills ang nasabing bangko, hindi ito lalagpas sa $10 milyon.

Kasalukuyang nakapiit sa Cagayan de Oro City ang naarestong suspect at ito ay sinampahan na ng kaukulang kaso.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operation na isinasagawa para sa ikadarakip ng mga kasamahan nito. (Ulat ni Joy Cantos)

AGORA ROAD

ARCHIE MINGNOC

BANGKO SENTRAL

BARANGAY LAPASAN

BOND

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ORO CITY

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with