Lider ng 'Akdan Kumang Gang' nasakote
February 20, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Isa sa lider ng kilabot na motorcycle gang na matagal nang sinusubaybayan ng pulisya ang nadakip ng mga tauhan ng 4th Regional Traffic Management Group sa isinagawang police operation sa Barangay Cuyab, San Pedro, Laguna, kamakalawa.
Nakilala ang nadakip na si Ruelito Macalinao, alyas Ruel.
Nasamsam buhat dito ang isang nakaw na motorsiklo na walang plaka.
Si Ruel ay itinuturing na isa sa mga lider ng Akdan Kumang Gang na may anim hanggang sampung miyembro at responsable sa serye ng pagnanakaw ng mga motorsiklo sa bayan ng San Pedro, Sta Rosa, Cabuyao sa lalawigan ng Laguna.
Pinaghahanap din ang isa sa lider ng grupo na nakilalang si Joey Lacdan, alyas Kumang at mga tauhan nito. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest