Bagyong Auring nanalasa: 9 katao patay
February 20, 2001 | 12:00am
Siyam katao na ang naitalang nasawi, kabilang ang isang pamilya na nalibing nang buhay, habang marami pa ang sugatan bunga ng malawakang pagbaha at landslides na dulot ng hagupit ng bagyong Auring sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Ito ang inihayag kahapon ni Acting Defense Secretary at National Coordinating Council Chairman Eduardo Ermita base sa report na nakarating sa kanyang tanggapan.
Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Ermita na isang pamilya na binubuo ng anim na katao ang nasawi bunga ng naganap na landslide sa bayan ng Abuyao, Leyte, habang dalawa naman ang nalunod bunga ng pagbaha sa Butuan City at Surigao del Sur.
Nakilala ang mga nasawi sa landslide na sina Vicente Dadap, ang kanyang maybahay na si Christina at dalawang anak na sina Tyson at Dick Russil Dadap. Nasawi rin sa naganap na pagguho ang dalawang pamangkin ni Vicente na sina Karen Villa at Rowena Villa Asis, pawang naninirahan sa Sitio Tag-abaca, Barangay Balisasayo.
Nabatid na nagsimulang bayuhin ng malalakas na mga pag-ulan ang nasabing lugar noong pang nakalipas na Pebrero 15, na sinundan ng hagupit ng bagyong Auring kamakalawa na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananalasa sa nabanggit na lugar.
Kaugnay nito, umabot na rin sa 373 pamilya o 1, 678 katao ang inilikas ng magkasanib na puwersa ng NDCC at AFP patungo sa mga evacuation centers makaraang lumubog sa baha ang kanilang mga kabahayan.
Sa kasalukuyan, walong probinsiya o 30 munisipalidad ang naitalang apektado ng bagyong Auring, kabilang na ang mga lalawigan ng Leyte, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Compostella Valley, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur.
Tinataya namang aabot sa P107 milyong halaga ng mga ari-arian, pananim at paghahayupan ang napinsala sa labis na pagbaha at naganap na mga landslide. Samantala, isang lola ang kumpirmadong nasawi matapos na mabagok ang ulo , habang 33 katao pa ang nasugatan matapos na sumadsad ang kanilang sinasakyang barko dulot ng bagyong Auring sa Ormoc City, kamakalawa.
Base sa ulat ng Phil. Coast Guard, nakilala ang nasawing lola na si Astileta Gucella, 70, ng Kumpas Baybay, Leyte, samantalang marami pang pasaherong sugatan at nilalapatan ng lunas sa Ormoc Provincial Hospital.
Sinabi sa ulat na dakong alas-4:30 ng hapon habang papadaong ang pampasaherong barko ng M/V Cherry Rose sa Pier ng Ormoc City nang biglang humampas ang malakas na alon bunga ng hanging dala ng nabanggit na bagyo.
Tumagilid ang kaliwang bahagi ng barko hanggang sa mawalan ito ng balanse.
Dahil dito, nawalan din ng balanse ang matandang biktima kaya ito tumumba at humampas ang ulo sa isang matigas na bagay na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. (Ulat nina Joy Cantos at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest