^

Probinsiya

4 katao tiklo sa panunuhol sa pulis

-
GENERAL MARIANO ALVAREZ–Apat katao na dumalaw lamang sa kanilang nakakulong na kaibigan ang minalas at ipiniit din ng mga awtoridad makaraang tangkain suhulan ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng kanilang kaibigan, kamakalawa sa himpilan ng pulisya dito.

Nakilala ang mga ipiniit na sina Edilberto Repollo, 55; Cera Mallari, 47; Edgardo Eden, 30 at Conrado Cembaliser, 26, pawang residente ng Calvia St. Singalong, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon ng dumalaw ang mga nabanggit sa kanilang mga nakakulong na kaibigan na sina Efren Cruz, Erlinda Canlas, Michelle Canlas at Michael Canlas ng minalas na ikulong din at sampahan pa ng kasong bribery ng mga tauhan ng pulisya.

Ipinaliwanag ni Inspector Wilfredo Alfonso, sinusuhulan umano siya ng mga suspect ng halagang P15,000 kapalit ng paglaya ng grupo ni Cruz.

Habang iniaabot umano ni Repollo ang naturang halaga ay tumawag sa kanyang mga kasamahan si Alfonso at ipinadakip ang grupo nito. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

CALVIA ST. SINGALONG

CERA MALLARI

CONRADO CEMBALISER

EDGARDO EDEN

EDILBERTO REPOLLO

EFREN CRUZ

ERLINDA CANLAS

INSPECTOR WILFREDO ALFONSO

MADING SARMIENTO

MICHAEL CANLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with