Sikyu pinatay ng kabaro dahil sa utang
February 19, 2001 | 12:00am
BARAS, Rizal – Hindi na nagawang magbayad sa matagal nitong utang na P1,000 nagawa pa ng isang 24 anyos na sikyu na utangin ang buhay ng kanyang kabaro matapos na paputukan ng shotgun sa kanilang pagtatalo kamakalawa sa bayang ito.
Ang nasawi ay nakilalang si Gerry Mando, 24, nakatira sa Bgy.Inarawan,Antipolo City habang kinasuhan naman ng murder ang suspek na si Henry Montinilla Nirza, residente ng Bgy. San Juan na kasalukuyang nakakulong.
Sa ulat ng pulisya na ang insidente ay naganap dakong alas 10:30 ng umaga sa loob na binabantayang compound ni Mando nang mamataan nito si Nirza na nagbabantay sa kabilang compound.
Agad na tinungo ng biktima ang puwesto ni Nirza upang singilin sa utang nitong P 1,000 na ilang buwan ng pangako na babayaran ng huli.
Pero walang maibayad ang suspek dahil sa naubos na ang suweldo nito sa pagbayad sa ibang pagkakautangan.
Mapilit ang biktima na kailangang gumawa ng paraan ang suspek hanggang nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa.
Uminit ang ulo ng suspek at ikinasa ang shotgun at pinaputukan ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest