Ex-boxer na hindi kaya sa suntukan, pinatay sa saksak
February 19, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Dahil sa umanoy hindi kaya sa mano-manong suntukan ng isang 26 anyos na lalaki ang isang ex-boxer kayat gumamit ito ng patalim at napatay nito sa saksak ang huli kamakalawa ng gabi sa lunsod na ito.
Namatay habang dinadala sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Samuel Tamayo, 31, ng Purok 2, Francisville Subd. Bgy. Mambugan.
Samantala kinasuhan naman ng homicide ang nakatakas na suspek na nakilalang si Espedito Billiocog, 26, ng Purok Maligaya, Bgy. Mambugan.
Nabatid na dakong alas 7:00 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang biktima,suspek at ilan pang mga kasama.Dahil sa mga lasing na ay nagkaroon nang mainit na diskusyon ukol sa politika.
Nag-umpisang magtalo ang dalawa hanggang sa hamunin ng suntukan ng suspek ang biktima kahit batid na ito ay isang ex-boxer.
Hindi man lang nakatama ang suspek sa biktima hanggang sila ay awatin ng kanilang kasama sa inuman.
Umuwi ang suspek sa kanilang bahay at kumuha ng patalim pagkatapos ay binalikan ang biktima at pa-traydor na sinaksak sa likod. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am