Opisyal ng NUP, pulis todas sa ambush ng NPA
February 19, 2001 | 12:00am
LEGASPI CITY Nasawi noon din ang isang Asst. Public Information Officer ng PRO-5 at kasama nitong pulis matapos tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army habang sakay ng traysikel kamakalawa ng gabi sa Tahao Road ng lunsod na ito.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Beverly Marmol, alias Claire Domingo, 55, may-asawa, Assistant PIO at coordinator ng National Unification Program ng Kampo Semion Ola habang namatay sa ospital si SPO2 Jose Florentes, 50, may-asawa, nakatalaga sa Human Resources and Development ng Regional Office na kapwa residente ng Daraga,Albay.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 6:30 ng gabi ay sakay ng traysikel ang dalawang biktima at papauwi na sa kanilang mga tahanan mula sa katatapos nilang programa sa Bombo Radio bilang host sa "PNP Hour".
Sumulpot at hinarang ng tatlong NPA na pawang armado ng kal. 45 at 9mm pistola ang traysikel na kinalululanan ng mga biktima at pinaputukan.
Ayon sa isang saksi na bago naganap ang pamamaril ang tatlong suspek ay umiinom ng softdrink sa isang tindahan malapit sa radio station.
Bigla na lamang nagsitayuan ang mga ito at hindi na nagbayad ng kanilang softdrink nang makita na ang kanilang target ay nakasakay na nang traysikel.
Hinabol pa ng may-ari ng tindahan ang mga suspek subalit huminto ito nang makitang nagbunot at pinaputukan ang mga biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na may plakang MC-1910 patungo sa direksyon ng Bgy.Gogon.
Sa pananaliksik ng PSN,si Marmol ay dating guro sa elementarya na dinukot noong 1982 at naging kasapi ng mga rebelde.
Taong 1987 nang ito ay sumuko sa pamahalaan at naging tagapag-salita ng militar at pulisya laban sa mga NPA at noong nakalipas na taon ay nahirang bilang Asst.Public Information Officer ng PRO-5. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended