Sa anim na pahinang reklamo ni Trece Martires City Vice-Mayor Benigno P. Colorado, residente ng Bgy. Hugo Perez, kinasuhan nito ng libelo sina Zed Zomar, writer; Carlos Bulosan III,publisher; at isang John Doe at Peter Doe na editor-in-chief at circulation manager ng diyaryong BOSES na may opisina sa 2289-D, President Osmeña Highway, Singalong, Manila.
Batay sa reklamo ni Colorado, isinulat ni Zomar sa kanyang artikulo na may petsang Nobyembre 20-26,2000 sa pahina 3 ay nagsasaad na siya ay bastos at hindi umano tinulungan ang mga naapektuhan ng dalawang bagyong nagdaan.
Gayong ang katotohanan na siya ay tumulong at hindi nito binastos ang 82 pamilya ng Bgy. de Ocampo na lumapit sa kanya.
Ang masakit pa sa nasabing artikulo ay tuwirang sinabi ni Zomar na siya ay konektado ng 14K drug syndicate na wala namang batayan.
Sa lumabas na artikulo ay walang katotohanan at isang malisyosong balita na naglalayon lamang na sirain ang kanyang pagkatao at ang kanyang pamilya. (Ulat ni Mading Sarmiento)