Pulis tiklo sa extortion
February 18, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Isang miyembro ng Phil. National Police (PNP) na may nakabinbing kaso ng extortion ang dinakip ng mga elemento ng warrant section ng pulisya sa bayang ito, ha-bang namamahinga sa kanyang bahay sa Pagbilao, Quezon, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang dinakip na pulis na si SPO3 Victor Escultura, nakatalaga sa Traffic Management Group (TMG) na nakabase sa Camp Nakar.
Si Escultura ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Guillermo Andaya ng RTC Branch 53.
Nag-ugat ang kaso ni Escultura sa umanoy ginawa nitong panghihingi ng pera sa isang negosyante na kumukuha ng clearance para sa sasakyan noong nakaraang taon sa mismong tanggapan nito sa TMG.
Unang nadakip si Escultura ng mga elemento ng TMG head office makaraang ireklamo rin ng isang negosyante ng kasong pangongotong. Nahulog si Escultura sa isinagawang entrapment at makaraan ang ilang buwan ay muli itong nakabalik sa serbisyo. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended