Ito ang inihayag ni Acting Defense Secretary Eduardo Ermita , gayunman ang tanging nagiging balakid umano sa pagbibigay ng donasyon ng limang dayuhang bansa ay ang patuloy na problema ng pamahalaan sa seguridad ng nasabing lugar na binubulabog pa rin ng paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng Muslim.
Sinabi ni Ermita na ang naturang ipagkakaloob na donasyon ay para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Mindanao.
Nabatid na ang naturang pangako ay binitiwan ng mga kinatawan ng naturang mga bansa sa katatapos na pagpupulong nitong nakalipas na Miyerkules na dinaluhan din nina Paul Dominguez, Presidential Adviser on Regional Development at Jesus Dureza, Presidential Assistant for Mindanao Development.
Idinagdag pa nito, na nagpahayag na rin ang United States Assistance for International Development na handa itong tumulong sa pagpapaunlad ng Mindanao na winasak ng digmaan sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebeldeng grupo. (Ulat ni Joy Cantos )