^

Probinsiya

US$700M pangako ng 5 bansa sa Mindanao

-
FORT DEL PILAR, Baguio City – Limang bansa mula sa Europa, North America at Asya ang nangakong magkakaloob ng $700 milyon na pinansiyal na tulong sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa rehabilitasyon at sa pagiging economic zone ng winasak ng digmaang rehiyon ng Mindanao.

Ito ang inihayag ni Acting Defense Secretary Eduardo Ermita , gayunman ang tanging nagiging balakid umano sa pagbibigay ng donasyon ng limang dayuhang bansa ay ang patuloy na problema ng pamahalaan sa seguridad ng nasabing lugar na binubulabog pa rin ng paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng Muslim.

Sinabi ni Ermita na ang naturang ipagkakaloob na donasyon ay para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Mindanao.

Nabatid na ang naturang pangako ay binitiwan ng mga kinatawan ng naturang mga bansa sa katatapos na pagpupulong nitong nakalipas na Miyerkules na dinaluhan din nina Paul Dominguez, Presidential Adviser on Regional Development at Jesus Dureza, Presidential Assistant for Mindanao Development.

Idinagdag pa nito, na nagpahayag na rin ang United States Assistance for International Development na handa itong tumulong sa pagpapaunlad ng Mindanao na winasak ng digmaan sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebeldeng grupo. (Ulat ni Joy Cantos )

vuukle comment

ACTING DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

BAGUIO CITY

INTERNATIONAL DEVELOPMENT

JESUS DUREZA

JOY CANTOS

MINDANAO

MINDANAO DEVELOPMENT

NORTH AMERICA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PAUL DOMINGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with