Nasamsam na ‘hot meat’ idinonate sa orphanage
February 17, 2001 | 12:00am
Ibinigay na bilang donasyon sa Marilac Orphanage Home para sa unwed mothers ang mga nasabat na hot meat ng Department of Agriculture-National Meat Inspection Commission (DA-NMIC) sa lalawigan ng Cavite.
Sinabi ni Dra. Minda Manantan, OIC ng NMIC na napagpasyahan nila na ibigay na lamang para mapakinabangan ang mga nasabing hot meat.
Ito naman umano ay matapos nilang masuri na puwedeng kainin ang mga karne ng baboy at manok na nasamsam ng task force hot meat ng NMIC.
"Hindi naman kasi lahat ng hot meat ay hindi maaaring kainin, itong mga manok na may 350 kilo at isa at kalahating buo ng baboy na nakumpiska ay maaari namang kainin kaya nai-donate na namin ito sa orphanage sa Marilac", pahayag ni Manantan.
Binanggit pa nito na kapag hindi na talaga maaaring makain ang mga nakukumpiskang karne ay kanila na itong ibinabaon sa lupa para hindi na makalason pa sa maaaring kumain nito.
Idinahilan naman ni Dra. Manantan na ang kakulangan ng suporta ng mga local government units sa kanilang kampanya sa hot meat ang dahilan ng paglitaw ng mga karneng hindi dumadaan sa kanilang pagsusuri.
Nanawagan ang NMIC sa lahat ng mamimili na dapat maging matalino sa pagbili ng mga karne at tingnan ang tatak ng pagkasuri ng NMIC para makatiyak na ligtas kainin ang karne. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest