Sinabi naman ni Gov. Raul Molintas na mananagot sa batas ang mga rebeldeng maghahasik ng anumang karahasan sa nabanggit na lalawigan, kasabay ng pagsasabing hindi nila dapat pakialaman ang mga gustong magmina na lehitimo naman.
Nangako rin si Col. Eliseo dela Paz, PNP director sa Benguet na kanyang paiimbestigahan ang naturang banta lalo pa nga’t galing ito sa isang rebeldeng grupo.
Magugunitang ipinahayag ni Robert Angco, chieftain ng CPLA ang kanilang banta laban sa mga dayuhan dahil sa ang mga ito ang siyang umuubos sa kanilang likas na kayamanan. Hindi umano mabigyan ng pagkakataon at kaukulang kompensasyon ang mga lehitimong mga taga-Benguet at ang napapaboran umano ay ang mga dayuhan. (Ulat ni Myds Supnad)