^

Probinsiya

Shoot-to-kill inisyu ng CPLA sa mga foreign miners

-
BAGUIO CITY – Nag-isyu ng shoot-to-kill order ang liderato ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) laban sa mga dayuhang nagnanakaw ng kanilang natural resources at mina sa Benguet.

Sinabi naman ni Gov. Raul Molintas na mananagot sa batas ang mga rebeldeng maghahasik ng anumang karahasan sa nabanggit na lalawigan, kasabay ng pagsasabing hindi nila dapat pakialaman ang mga gustong magmina na lehitimo naman.

Nangako rin si Col. Eliseo dela Paz, PNP director sa Benguet na kanyang paiimbestigahan ang naturang banta lalo pa nga’t galing ito sa isang rebeldeng grupo.

Magugunitang ipinahayag ni Robert Angco, chieftain ng CPLA ang kanilang banta laban sa mga dayuhan dahil sa ang mga ito ang siyang umuubos sa kanilang likas na kayamanan. Hindi umano mabigyan ng pagkakataon at kaukulang kompensasyon ang mga lehitimong mga taga-Benguet at ang napapaboran umano ay ang mga dayuhan. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

BENGUET

CORDILLERA PEOPLE

LIBERATION ARMY

MYDS SUPNAD

RAUL MOLINTAS

ROBERT ANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with