Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga biktimang sina Larleth Martin, 10 at ang mga nakababata nitong kapatid na sina Taleth, Lariza, Lauro, Tonaleth at Carmen, ng Brgy. Sta. Monica ng nabanggit na bayan.
Binanggit sa ulat na ang insidente ay naganap dakong alas-9:40 ng gabi, habang umiikot ang naturang ferris wheel na sinasakyan ng magkakapatid at ng ilan pang mga sakay nito. Bigla umanong natanggal sa pagkaka-lock ang coach na kanilang kinalalagyan na naging dahilan upang sila ay mahulog at sumabit sa mga bakal nito, hanggang sa bumagsak sila sa lupa.
Dahil sa naganap na aksidente, agad namang dinakip ng ilang mga barangay tanod ang operator ng nasabing ferris wheel. Papanagutin din ang may-ari nito na nakilalang si Marie Ortega.
May hinala ang pulisya na maaaring dahil sa sobrang sakay ang naging sanhi kung kaya bumigay at natanggal ang lock na sinasakyan ng magkakapatid. Maaari rin umanong ito ay dahil na rin sa sobrang kalumaan at kakulangan sa maintenance ng mga nangangasiwa rito. (Ulat ni Efren Alcantara)