^

Probinsiya

Nakonsiyensiyang Rapist/killer ng nene, nag-suicide

-
LABO, Camarines Sur – Isa na namang 9-anyos na batang babae ang iniulat na ginahasa at saka pinaslang ng 40-anyos niyang kapitbahay dahilan lamang sa halagang P20 na naiwala ng una makaraang utusan ito ng huli na bumili ng noodles, kamakalawa sa Barangay Fundado ng nasabing bayan.

Samantala, dahil sa inusig ng kanyang konsensiya, nagpasya na lamang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ang sinasabing suspect sa karumal-dumal na krimen.

Ang labi ng biktima na nakilalang si Rosemarie Mira, ng Purok 3 ng nasabing barangay ay natagpuan ng ilang residente dito dakong alas-11:30 ng hatinggabi na lulutang-lutang sa ilog ng Bacacay na walang suot na underwear.

Batay sa isinagawang awtopsiya sa biktima, positibo itong ginahasa bago pinaslang sa pamamagitan nang pagpalo ng matigas na bagay sa ulo at saka ipinaanod sa ilog.

Nakilala naman ang nagpakamatay na suspect na si Jaime Jalamani, hiwalay sa asawa, tubong Camalig, Albay at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.

Ang suspect ay nagpakamatay sa loob ng kanyang bahay makaraang isailalim na siya sa imbestigasyon ng pulisya.

Sa panayam kay SPO1 Emir Joseph Valeros, may hawak ng kaso nabatid na ikinagalit ng suspect ang pagkawala ng kanyang P20 makaraang utusan nito ang biktima na ibili siya ng noodles. Sa galit ng suspect unang minolestiya nito ang nakatatandang kapatid ng biktima na pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan.

Kamakalawa, dakong alas-3:10 ng hapon lumabas ng bahay ang biktima upang makipanood ng telebisyon sa kanyang lola. Lingid sa kaalaman nito ay sinundan siya ng suspect at nang maka-tiyempo ay kinaladkad ito sa isang tagong lugar at doon pinagsamantalahan at saka pinatay.

Kinabukasan matapos na matagpuan ang bangkay ng biktima ay nagsimula ng magsiyasat ang mga awtoridad sa suspect sa kanilang bahay. Pansamantalang nagpaalam ito na iinom ng tubig sa kusina, subalit nagulat na lamang ang mga awtoridad ng makitang nakahandusay ito sa lapag at bumubula ang bibig.

Mabilis naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklara nang patay. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

ALBAY

BACACAY

BARANGAY FUNDADO

BATAY

CAMARINES SUR

EMIR JOSEPH VALEROS

FRANCIS ELEVADO

JAIME JALAMANI

ROSEMARIE MIRA

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with