Dahil sa biruan, pulis tinodas ng kabaro
February 15, 2001 | 12:00am
Bunga lamang ng masamang biro, nagawang paslangin ng isang kagawad ng PNP ang kasamahan nitong pulis sa naganap na karahasan sa loob ng kanilang tinutuluyang barracks sa Misamis Occidental, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Nakilala ang nasawing pulis na si PO2 Lorenz Anqui, ng Misamis Occidental Provincial Police Office (PPO).
Si Anqui ay nasapul ng tama ng cal. 45 pistol sa ulo at namatay habang isinusugod sa Misamis Provincial Hospital.
Nakilala naman ang suspect na si PO3 Nestor Eballa Valloso, miyembro rin ng nasabing unit.
Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng PRO 9 sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-7:45 ng gabi sa loob ng isang barracks ng Misamis Occidental PPO.
Napag-alaman na masayang nagkukuwentuhan ang suspect at biktima nang biglang magbiruan hanggang sa magkapikunan.
Napikon ng husto si Valloso na biglang binunot ang kanyang cal.45 na baril at pinagbabaril ang biktima.
Agad namang sumuko ang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Isang masusing pagsisiyasat ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended