Abandonadong kampo ng Sayyaf nadiskubre
February 14, 2001 | 12:00am
Nadiskubre ng tropa ng militar ang isang abandonadong kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) subalit walang palatandaan ng dalawa pang sinasabing hostage kabilang ang black American na si Jeffrey Craig Edwards Schilling, habang nagsasagawa ng combat operation sa may bulubunduking lugar ng Talipao, Sulu, ayon sa ulat kahapon.
Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo kahapon, bandang alas-11:00 ng umaga ng matagpuan ng mga tauhan ng 1st Scout Ranger Battalion ang isang abandonadong kampo ng bandidong grupo.
Nabatid na nagsasagawa umano ang tropa ng militar ng isang combat operation sa bisinidad ng Talipao ng maispatan nila ang pinaniwalaang kampo ng ASG.
Hinalughog ng tropa ng mga sundalo ang bisinidad ng naturang kampo ng Abu Sayyaf subalit hindi nila nakita sina Schilling at ang diving instructor na si Rolland Ullah na sinasabi ng mga itong hostage. Nauna ng kinumpirma ng militar na kasabwat ng bandidong grupo ang dalawang bihag.
Tinatayang may 30 katao ang kayang i-accommodate ng naturang kuta kasama na ang mga kagamitan tulad ng mga malalakas na uri ng armas sa pakikidigma. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest