^

Probinsiya

3 katao todas sa ambush ng NPA rebels

-
LOPEZ, Quezon – Isang barangay captain, isang pulis at isang sibilyan ang iniulat na inambus at napatay ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA sa magkahiwalay na pag-atakeng naganap sa Lopez, Quezon at sa Calauan, Laguna, kamakalawa.

Naganap ang unang pananambang sa Barangay Pantay , Lopez, Quezon habang ang biktimang si Nemesio Norada, 59, barangay captain ng Barangay San Lorenzo ay patungo sa karatig barangay para dumalo sa isang pagpupulong kasama ang ilang konsehal nang biglang harangin at hilahin ng mga armadong suspect papalayo sa kanyang mga kasamahan.

Nang masolo ang biktima ay saka ito pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspect. Matapos ang ginawang pagpaslang ay mabilis namang nagsitakas ang mga suspect .

Samantala, pinaniniwalaan ding mga miyembro ng rebeldeng NPA ang umambus at nakapatay kay SPO1 Bienvenido Bondad, nakatalaga sa Base Police ng Laguna Provincial Office Headquarters.

Habang inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng sibilyan na nasawi at nadamay sa naganap na pananambang.

Naganap ang pananambang kay Bondad, dakong alas-11:30 ng umaga habang ang biktima ay lulan ng kanyang sasakyan patungong presinto. Habang binabagtas nito ang national highway sa Barangay Limao, Calauan, Laguna ay bigla na lamang siyang hinarang ng mga suspect at saka pinaulanan ng pagpapaputok ng baril.

Tiyempo namang dumaraan ang naturang sibilyan lulan din ng kanyang sasakyan na tinamaan ng ligaw na bala at minalas na mamatay.

Hindi pa matiyak ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa dalawang naganap na pananambang ng mga rebelde. (Ulat nina Tony Sandoval at Ed Amoroso)

BARANGAY LIMAO

BARANGAY PANTAY

BARANGAY SAN LORENZO

BASE POLICE

BIENVENIDO BONDAD

CALAUAN

ED AMOROSO

HABANG

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with