Wala kayong dapat gawin kundi i-dial ang cellphone numbers ng Los Baños- based ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (DOST-PCAMRD).
Halimbawa: Saan maaaring matagpuan ang "sinarapan", ang worlds smallest commercial fish species na matatagpuan sa Pilipinas o di kaya ay , kung ang Laguna Lake ang ikalawa sa pinakamalaking freshwater lake sa Southeast Asia, ano ang pinakamalaki?
Ipinaliwanag ng PCAMRD sa pangunguna ni Executive Director Rafael Guerrero III, na tanto nating may 15 milyong cellphone owners sa bansa ang mapagkakalooban ng agaran at kakaibang information service sa pamamagitan ng text-messaging sa mga cellphones.
Sa ilalim na inilunsad na Aqua Info-Text Services (AITS) na nagsimula noong nakalipas na Enero 29, ang sinumang may cellphone na nangangailangan ng mga impormasyon na may kinalaman sa aquatic resources at fisheries ay maaaring mag-text sa PCAMRD at agad namang tatanggap ng impormasyon ng libre.
Ang serbisyo ay magsisimula dakong alas- 8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, ayon pa kay Dr. Guerrero.
Ang mga impormasyon na may kinalaman sa inland aquatic resources, fisheries, at aquaculture ay maaaring makuha sa PCAMRDs Inland Aquatic Resources Division (IARD), na ang cellphone numbers ay (O917 ) 533-84-40 at (0919 ) 219-90-45.
Ang Marine Resources Division (MRD) naman ay may cellphone numbers (0917) 609-59-98 at (0919 ) 219-81-84. Samantalang ang mga impormasyon na may kinalaman sa fish processing at postharvest handling technologies ay maaaring tumawag sa Research Information and Utilization Division (RIUD) sa cellphone numbers (0917 ) 353-83-40 at (0919) 219-82-04. Habang ang mga impormasyon naman patungkol sa aquatic resources socioeconomic ay maaaring makuha sa cellphone numbers (0917) 346-85-43 at (0919 ) 219-90-30. (Ulat ni Rudy Fernandez)