^

Probinsiya

Aqua Info-Text Services, inilunsad

-
Kayo ba ay may cellphone at gusto ninyong makakuha ng mabilis na impormasyon patungkol sa aquatic resources at fisheries sa bansa.

Wala kayong dapat gawin kundi i-dial ang cellphone numbers ng Los Baños- based ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (DOST-PCAMRD).

Halimbawa: Saan maaaring matagpuan ang "sinarapan", ang world’s smallest commercial fish species na matatagpuan sa Pilipinas o di kaya ay , kung ang Laguna Lake ang ikalawa sa pinakamalaking freshwater lake sa Southeast Asia, ano ang pinakamalaki?

Ipinaliwanag ng PCAMRD sa pangunguna ni Executive Director Rafael Guerrero III, na tanto nating may 15 milyong cellphone owners sa bansa ang mapagkakalooban ng agaran at kakaibang information service sa pamamagitan ng text-messaging sa mga cellphones.

Sa ilalim na inilunsad na Aqua Info-Text Services (AITS) na nagsimula noong nakalipas na Enero 29, ang sinumang may cellphone na nangangailangan ng mga impormasyon na may kinalaman sa aquatic resources at fisheries ay maaaring mag-text sa PCAMRD at agad namang tatanggap ng impormasyon ng libre.

Ang serbisyo ay magsisimula dakong alas- 8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, ayon pa kay Dr. Guerrero.

Ang mga impormasyon na may kinalaman sa inland aquatic resources, fisheries, at aquaculture ay maaaring makuha sa PCAMRD’s Inland Aquatic Resources Division (IARD), na ang cellphone numbers ay (O917 ) 533-84-40 at (0919 ) 219-90-45.

Ang Marine Resources Division (MRD) naman ay may cellphone numbers (0917) 609-59-98 at (0919 ) 219-81-84. Samantalang ang mga impormasyon na may kinalaman sa fish processing at postharvest handling technologies ay maaaring tumawag sa Research Information and Utilization Division (RIUD) sa cellphone numbers (0917 ) 353-83-40 at (0919) 219-82-04. Habang ang mga impormasyon naman patungkol sa aquatic resources socioeconomic ay maaaring makuha sa cellphone numbers (0917) 346-85-43 at (0919 ) 219-90-30. (Ulat ni Rudy Fernandez)

vuukle comment

ANG MARINE RESOURCES DIVISION

AQUA INFO-TEXT SERVICES

AQUATIC AND MARINE RESEARCH AND DEVELOPMENT

CELLPHONE

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY-PHILIPPINE COUNCIL

DR. GUERRERO

EXECUTIVE DIRECTOR RAFAEL GUERRERO

INLAND AQUATIC RESOURCES DIVISION

LAGUNA LAKE

LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with