Ayon kay PTFBC executive officer for Central Luzon Myrla Baldonado, ang mga nasawi ay nakilalang sina Santino Guiao, 50 at Emerita Cabrera, 48, kapwa residente ng Barangay Sapang-Bato, Angeles City.
Ang mga biktima ay sinasabing namatay sa sakit na leukemia at lung cancer dulot ng pananatili nila sa kontaminadong lugar sa paligid ng dating base militar sa Clark Air Base na posibleng naapektuhan ng nakalalasong kemikal.
Ayon pa sa ulat, ang Barangay Sapang-Bato ay isa umano sa dumping sites ng mga toxic waste ng mga sundalong Amerikano noon sa Clark Air Base.
Sinabi pa ni Baldonado na patuloy ang kanilang isinasagawang pag-aaral hinggil sa pinsalang idinudulot ng mga nakakalasong dumi na iniwan sa dating base militar ng Estados Unidos. (Ulat ni Jeff Tombado)