^

Probinsiya

Dalawa pa todas sa toxic waste

-
CLARK FIELD, Pampanga – Dalawa pang hinihinalang biktima ng toxic waste ang naidagdag sa mga naunang tala ng mga nasawi, ayon sa pahayag kahapon ng People’s Task Force on Bases Clean-Up (PTFBC) sa Clark Special Economic Zone (CSEZ).

Ayon kay PTFBC executive officer for Central Luzon Myrla Baldonado, ang mga nasawi ay nakilalang sina Santino Guiao, 50 at Emerita Cabrera, 48, kapwa residente ng Barangay Sapang-Bato, Angeles City.

Ang mga biktima ay sinasabing namatay sa sakit na leukemia at lung cancer dulot ng pananatili nila sa kontaminadong lugar sa paligid ng dating base militar sa Clark Air Base na posibleng naapektuhan ng nakalalasong kemikal.

Ayon pa sa ulat, ang Barangay Sapang-Bato ay isa umano sa dumping sites ng mga toxic waste ng mga sundalong Amerikano noon sa Clark Air Base.

Sinabi pa ni Baldonado na patuloy ang kanilang isinasagawang pag-aaral hinggil sa pinsalang idinudulot ng mga nakakalasong dumi na iniwan sa dating base militar ng Estados Unidos. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANGELES CITY

AYON

BARANGAY SAPANG-BATO

BASES CLEAN-UP

CENTRAL LUZON MYRLA BALDONADO

CLARK AIR BASE

CLARK SPECIAL ECONOMIC ZONE

EMERITA CABRERA

ESTADOS UNIDOS

JEFF TOMBADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with