Solon malas sa golf, nobya namalo ng caddie
February 12, 2001 | 12:00am
Antipolo City - Marahil minalas umano sa paglalaro ng golf si Marikina Cong. Romeo Candazo, lalo pa itong nagwala nang iwan siya ng kanyang lady caddie kayat ang umanoy nobya nito na kasama niya sa paglalaro ay nagalit din kaya ito ay nanakal at pinalo pa ng putter ang lady caddie kamakailan sa lungsod na ito.
Dala ang medical certificate na magpapatunay na nagtamo ng pasa sa kanang tuhod dahil sa lakas ng palo ng putter at sugat sa leeg. Magsasampa ng pormal na reklamo ngayon sa Antipolo Regional Trial Court ang biktimang si Perla Benolirao, 33, may asawa, ng Sitio Inaisan, Brgy. San Juan.
Batay sa salaysay ng biktima na dakong ala-1:30 ng hapon noong Pebrero 8 siya ang itinalagang caddie nina Candazo at Suzette Lopez kasama ang dalawang kalaro sa Forest Hills Golf and Country Club.
Sa umpisa pa lamang ng laro naging masama na ang pagpalo ni Candazo na ikinainit ng ulo nito lalo na ang bola ay hindi nito alam kung saan nagpunta kaya nagkaroon ito ng penalty.
Tatlong beses umanong binato ng bola si Benolirao na pawang kanyang nailagan kaya natakot na ito sa posibleng gawin pa ni Candazo.
Dahil dito nakiusap siya sa kasama ni Candazo na kung maaari ay palitan na lamang siya bilang caddie dahil binubunton sa kanya ang kamalasan nito.
Nagprisinta si Lopez kay Candazo na magpalitan na lamang sila ng caddie at italaga sa kanya si Benolirao.
Hindi pumayag ang biktima dahil inakala nitong mag-asawa ang dalawa kaya pinasya nitong iwan si Candazo at hindi na magka-caddie.
Habang papalayo si Benolirao, siya ay hinabol ni Lopez at sinakal at nang pumiglas hinataw siya ng putter nito sa tuhod.
Muli siyang hahatawin sana ni Lopez pero inawat siya ng ilang caddie habang si Candazo at dalawang kasama nito ay nakatingin lamang at hindi man lang umawat sa pagwawala ni Lopez.
Kaya sa kasong isasampa ni Benolirao, ay isasama niya si Candazo at dalawang kasama nito na umanoy hayop na pagtrato sa kanya.
Kaya sa pagsasampa ng kaso ni Benolirao, ay maaapektuhan ang kandidatura ni Candazo, na tatakbong Mayor ng Marikina City na ang makakalaban nito ay si Marides, asawa ni incumbent Mayor Bayani Fernando na nasa kanyang huli ng termino. (Ulat nina danilo GArcia at Non Alquitran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am