^

Probinsiya

Tatay na rapist hinatulan ng 10 habambuhay

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Sampung beses na habambuhay ang hinatol ng Tarlac Regional Trial Court sa isang 40 anyos na magsasaka matapos mapatunayan ng hukuman na nagkasala ito ng panghahalay sa kanyang anak na noon ay 15 anyos pa lamang noong 1995.

Ibinaba ni Judge Arsentos Adriano ang hatol na 10 beses na habambuhay kay Efren Mateo dahil sa napatunayan niya na hinalay nito ang kanyang anak na itinago sa pangalang Arlene na nag-umpisa noong 1995 hanggang 1996.

Sa labing-isang pahinang desisyon, inatasan din ng korte na bayaran ng akusado ang biktima ng P 150,000 bilang danyos.

Sa rekord ng korte, ang biktima ay inumpisahang halayin ng kanyang ama tuwing aalis ang kanyang nanay para magtrabaho at silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay.

Sa kabila umano ng kanyang pagmamakaawa sa ama ay hindi niya ito pinakikinggan at pagkatapos na makaraos ay pagbabantaan naman siya na papatayin kapag nagsumbong.

Natapos lamang ang kanyang kalbaryo ng ikuwento nito sa mga kaibigan noong Agosto 1996 ang kahayupan ng ama na siya namang tumulong para isumbong sa kinauukulan ang kahayupan ng akusado. (Ulat ni Jeff Tombado)

AGOSTO

ARLENE

EFREN MATEO

IBINABA

JEFF TOMBADO

JUDGE ARSENTOS ADRIANO

KANYANG

NATAPOS

PAMPANGA

TARLAC REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with