Tribu ng Manobo sinalakay; 5 katutubo pinaslang
February 10, 2001 | 12:00am
COTABATO CITY – Nilikida kamakalawa ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang limang katutubo kabilang sa Manobo tribes at pagkatapos ay sinunog pa ang mga bahay ng mga ito sa ikalawang pag-atakeng isinagawa ng mga rebelde sa naturang village sa Central Mindanao sa loob lamang ng pitong araw.
Ayon kay Capt. Ricardo Ellorda, tagapag-salita ng 6th Infantry Division ng Phil. Army, dinala rin ng mga rebelde na ginawa nilang hostage ang siyam pang sibilyan para gamiting panangga sa mga magrerespondeng tauhan ng militar at pulisya.
Binanggit sa ulat na nang dumating ang mga rebelde sa Sitio Batang Bagras sa Palembang, agad na pinalibutan ng mga ito ang mga bahay ng Manobo at agad na pinaslang ang limang kaanib sa tribu.
Bukod dito, nakuha pang sunugin ng mga rebelde ang mga bahay ng biktima bago tuluyang tumakas dala ang siyam na bihag.
Sinabi pa ni Ellorda na ang naganap na pag-atake ay bilang ganti ng mga rebelde sa pagtanggi ng mga katutubo na magbayad sa kanila ng revolutionary tax. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended