Ama, 4 anak minasaker ng kulto
February 9, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Pinaslang sa pamamagitan ng sibat ng isang grupo ng hindi nakikilalang mga lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng isang kulto ang isang magsasaka at apat nitong mga batang anak sa isang village sa bayan ng Bayug sa Zamboanga del Norte, kamakalawa.
Kinilala ni Western Mindanao Police Regional Director Chief Superintendent Dominador Domingo ang nasawing mag-aama na sina Manuel Legal at ang kanyang mga anak na si Maribel, 10; Taro, 8; Banjie, 7 at Rene Boy,3, ng Barangay Kanuayan, Bayug.
Binanggit ng pulisya na ang maybahay ni Manuel na nakilalang si Diana ay nakaligtas sa tiyak na kamatayan dahil sa nagtungo ito sa palengke ng maganap ang karumal-dumal na krimen.
Nabatid pa na nang dumating ito sa bahay dakong alas-10 ng umaga ay nakita nito ang kanyang mag-aama na nakahandusay at duguan. Ang mga biktima ay nagtamo ng malalalim na sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa sibat na siyang ginamit ng mga suspect.
Sinabi pa ng mga residente dito, na ang naturang krimen ay maaaring gawa ng isang mga miyembro ng kulto na walang pinaniniwalaang Diyos. Gayunman, hindi binabalewala ng pulisya ang anggulong katulad ng dating awayan o alitan sa lupa. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest