Ang suspensyon kay Luisito David, provincial jailguard sa QPJ ay iniutos kamakalawa ni Quezon Gov. Wilfrido Enverga matapos na matanggap ang ulat tungkol sa conspiracy sa naturang piitan na nasa ilalim ng pamamahala ng provincial governmemt.
Nabatid na bukod sa pakikipagsabwatan sa mga preso upang gumawa ng krimen ay may mga nakabinbin pang kaso si David na naganap din sa naturang piitan noong nakalipas na taon.
Nabulgar ang katiwalian sa QPJ matapos na ituro ng isang Robert Morales, 14, suspect sa panghoholdap na kasama niya sa krimen si Jaime Maravilla, inmate sa nabanggit na piitan na umanoy inilabas ni David sa selda at ibinalik matapos ang isang oras makaraang isagawa ang panghoholdap. Patuloy naman ang isinasagawa pang pagsisiyasat sa iba pang katiwalian sa naturang piitan. (Ulat ni Tony Sandoval)