Ang pananabotahe ay naganap sa kabila ng plano ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na muling buksan ang naudlot na peace talks sa hanay ng mga rebeldeng MILF sa rehiyon ng Mindanao.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naitala ang insidente dakong alas-10 ng gabi nang biglang lusubin ng di pa mabatid na bilang ng rebeldeng MILF sa pamumuno ni Said Aban, alyas Aguila ang electrical posts sa naturang lugar na pinaulanan ng bala ng baril at pagkatapos ay hinagisan pa ng sari-saring eksplosibo.
Agad namang nagresulta ang naturang pananabotahe sa agarang pagkawala ng kuryente sa mga bayan ng Sirawai, Siocon at Bauguian sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Matapos ang pananabotahe ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)