^

Probinsiya

NAPOCOR power posts sinabotahe ng MILF rebels

-
Tatlong power posts ng National Power Corporation ang sinabotahe ng mga rebeldeng MILF na naging dahilan upang mapinsala ang daloy ng kuryente sa tatlong munisipalidad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Ang pananabotahe ay naganap sa kabila ng plano ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na muling buksan ang naudlot na peace talks sa hanay ng mga rebeldeng MILF sa rehiyon ng Mindanao.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naitala ang insidente dakong alas-10 ng gabi nang biglang lusubin ng di pa mabatid na bilang ng rebeldeng MILF sa pamumuno ni Said Aban, alyas Aguila ang electrical posts sa naturang lugar na pinaulanan ng bala ng baril at pagkatapos ay hinagisan pa ng sari-saring eksplosibo.

Agad namang nagresulta ang naturang pananabotahe sa agarang pagkawala ng kuryente sa mga bayan ng Sirawai, Siocon at Bauguian sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Matapos ang pananabotahe ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUILA

BATAY

BAUGUIAN

CAMP AGUINALDO

JOY CANTOS

NATIONAL POWER CORPORATION

NORTE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAID ABAN

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with