^

Probinsiya

Mag-asawa na mahusay mag-boogie, ginulpi ng aide ng vice-mayor

-
BALAGTAS, Bulacan – Isang foreigner kasama ang Pinay na asawa nito ang iniulat na binugbog ng dalawang close-in bodyguard ng isang incumbent vice-mayor makaraang mairita ang mga ito sa ginawang pagsasayaw ng boogie ng mag-asawa sa loob ng isang disco club sa MacArthur Highway sa Barangay Burol First sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang ginulping mag-asawa na sina George Yekey, 43, ng Michigan, U.S.A at ang maybahay nito na si Julia Oliva, kapwa residente ng Barangay Tiaong, Guiguinto, Bulacan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang nanggulpi na sina Willie Magbitang at Manny Calimon, na sinasabing close-in-bodyguard ni incumbent Vice-mayor Emmanuel Galvez ng nabanggit na bayan.

Nabatid sa ulat na ang pambubugbog sa mag-asawa ay naganap dakong ala-1 ng madaling araw, habang ang mag-asawa ay nagsasayaw ng boogie sa loob ng Anahaw KTV Disco Club nang lapitan umano ito ng dalawang suspect at bigla na lamang sampalin ang mga ito.

Hindi naman pumayag na hindi makaganti ang foreigner at ipinagtanggol ang kanyang sarili hanggang sa tuluyan na nga silang gulpihing mag-asawa sa gitna ng dancing hall.

Hindi naman matiyak pa kung bakit napagdiskitahan ng dalawang bodyguard ang foreigner na sinasabing nagpakita ng galing sa pagsasayaw. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY BUROL FIRST

BARANGAY TIAONG

BULACAN

DISCO CLUB

EFREN ALCANTARA

EMMANUEL GALVEZ

GEORGE YEKEY

JULIA OLIVA

MANNY CALIMON

WILLIE MAGBITANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with