^

Probinsiya

Dahil sa x-rated tapes, lolo nanghalay ng lola

-
Dahilan sa madalas na pagbabasa ng malalaswang babasahin at panonood ng mga X-rated tapes mistulang sinaniban ng masamang espiritu ang isang matandang lalaki makaraan nitong gahasain ang isang 73-anyos na biyudang lola na umano’y matagal na nitong pinagnanasahan sa Ozamis City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Luhaang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Lola Iska upang ipagharap ng reklamo ang umabuso sa kanya na nakilalang si Fortunato Ronda, 61.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspect na si Ronda.

Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon sa mismong tahanan ng biktima sa Purok 3, Barangay Gango ng nasabing lunsod.

Lumitaw sa imbestigasyon na bago naganap ang insidente ay madalas umanong magkulong sa kuwarto si Ronda, na doon nagbabasa ng malalaswang magazine at nanonood ng X-rated tapes.

Isang araw matapos na ito ay manood ng X-rated tape ay pinasok nito ang bahay ni Lola Iska at isinakatuparan ang panggagahasa.

Ang naarestong rapist na lolo ay ipinagharap na ng kaukulang kasong kriminal ng Ozamis City Police. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY GANGO

BATAY

CAMP CRAME

FORTUNATO RONDA

JOY CANTOS

LOLA ISKA

OZAMIS CITY

OZAMIS CITY POLICE

POLICE REGIONAL OFFICE

RONDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with