^

Probinsiya

Mag-asawa ginilitan ng mga miyembro ng kulto

-
Isang mag-asawa ang iniulat na nasawi makaraang karitin sa leeg at pagkatapos ay pinagbabaril pa ng mga maskaradong suspect na pinaniniwalaang miyembro ng gumagalang kulto ng Satanista sa naganap na madugong insidente sa isang liblib na nayon sa Sta. Cruz, Davao del Sur, kamakalawa ng madaling araw.

Halos hindi pa rin maayos na makausap ang survivor na 14-anyos na dalagita na nakilalang si Lenylyn Jonas, anak ng mag-asawang biktima matapos nitong masaksihan ang pagpaslang sa kanyang mga magulang. Si Lenylyn ay nagtamo rin ng ilang mga sugat sa katawan at kasalukuyang ginagamot sa pinagdalhang pagamutan sa nasabing lalawigan.

Nakilala ang pinaslang na mag-asawa na sina Eduardo at Adelina Jonas, residente ng Sitio Sibulan, Barangay Astorga sa bayan ng Sta Cruz.

Samantalang ang suspect ay mula sa grupo ng binansagang "Tuktok cult" na ngayo’y gumagala at kinatatakutan sa Davao matapos na ang mga ito ay dumayo sa nasabing lugar at dito maghanap ng mabibiktima.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng madaling araw sa mismong tahanan ng mag-asawa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang pamilya Jonas ng gulantangin at maalimpungatan ang mga ito sa malalakas na katok sa kanilang pintuan.

Base sa paputol-putol na salaysay ng survivor na si Lenylyn nagkunwari umano ang mga suspect na makikiinom ng tubig at nang pagbuksan ang mga ito ng mag-asawa ay bigla na lamang nilang kinalawit sa leeg at pagkatapos ay pinaulanan pa ng putok ng baril.

Maliban sa tinamong sugat sa leeg na siya umanong ginagawang sagisag ng kulto sa kanilang mga pinapatay, ang mag-asawa ay pinapuruhan din ng pamamaril sa dibdib at ulo.

Nabatid na ang mga suspect na hindi matiyak ang bilang ay pawang nakasuot ng kulay itim na damit, may pinturang itim sa mukha , may markang 666 sa noo, may dalang mahabang karit at armado ng baril sa baywang.

Sa pag-aakalang napaslang ang buong mag-anak ay humalakhak pa umano ang mga suspect bago tuluyang nagsitakas.

Si Lenylyn ay tuluyang hinimatay sa insidente at binalikan na lamang ng ulirat sa pagamutan matapos na isugod ng ilang sumaklolong kapitbahay.

Sa kasalukuyan, nababahiran pa rin ng matinding tensiyon ang mga residente ng Sta. Cruz at ilan pang karatig lugar sa matinding takot sa gumagalang kulto. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ADELINA JONAS

BARANGAY ASTORGA

CAMP CRAME

CRUZ

DAVAO

JOY CANTOS

LENYLYN JONAS

MAG

SI LENYLYN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with