Preso inilabas sa selda para mangholdap
February 6, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang jailguard sa Quezon Provincial Jail matapos na ilabas nito sa selda ang isang preso at pinangholdap pa subalit minalas na madakip ng mga awtoridad, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat, nakilala ang jailguard na si Luisito David na sumasailalim ngayon sa imbestigasyon.
Binanggit sa pagsisiyasat na ginawa ni SPO3 Fernando Reyes, may hawak ng kaso dakong ala-1:15 ng hapon ay nadakip ng mga operatiba ng SWAT ang isang Robert Morales, 14, sa kasong panghoholdap sa isang estudyante na nakilalang si Jayson Manzano ng Barangay Lababang Dupay.
Sa naganap na panghoholdap nakulimbat ng suspect at isa pa nitong kasamahan na si Jaime Marvilla, inmate sa Quezon Provincial Jail ang halagang P480 cash at isang kuwintas sa biktima.
Sa interogasyon ay nabatid ng mga awtoridad na si Marvilla na nakatakas bago pa man dumating ang mga awtoridad ay inilabas ng jailguard na si David at ginamit sa panghoholdap at pagkatapos ay muling ibinalik sa selda makalipas ang isang oras. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended