Driver ng Philtranco nagpaliwanag

Nilinaw ni Manuel Coracero, driver ng isang air-con Philtranco bus na hindi siya kundi ang kasamahan niyang driver na nagmamaneho ng isang ordinary bus ang siyang naka-head collission ng isang mini-bus sa madugong aksidente na naganap sa isang kurbadang kalye sa Brgy. Ilayang Malinao, sa Atimonan, Quezon.

Magugunitang sa naturang aksidente pito katao, kabilang ang isang buntis ang nasawi.

Inihayag ni Coracero na maging siya ay biktima rin sa naturang aksidente matapos na bumangga rin sa minamaneho niyang sasakyan ang ordinary bus matapos naman nitong maka-head to head collission ang isang mini- bus.

Tumakas ng driver ng ordinary Phitranco bus, samantalang nasawi naman ang driver ng mini-bus na nakilalang si Albert Ayupana, 35. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments