^

Probinsiya

100 katao na namamatay sa toxic waste

-
CLARK FIELD, Pampanga – Umaabot na sa mahigit isangdaang katao ang iniulat na nasawi sanhi ng pagkakaroon ng komplikasyon dulot ng toxic waste sa Clark Especial Economic Zone (CEEZ).

Ang naturang bilang ang siyang iniulat ng Department of Health (DOH)- Regional Office III, sa isinagawang pagpupulong kaugnay sa patuloy na paglala ng problema hinggil sa nasabing isyu ng nakalalasong kemikal na iniwan ng mga Amerikanong sundalo sa mga base militar partikular sa dating Clark Air Base (CAB) sa Pampanga at Subic Naval Base sa Olongapo City.

Sa nasabing pagpupulong, hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kasalukuyang administrasyon ang P50 milyong pisong halaga ng pondo na ilalaan upang makatulong sa kasalukuyang paglilinis ng Phil. Task Force on Hazardous Wastes sa kanilang isinasagawang operasyon sa mga lugar kung saan kontaminado ng toxic waste partikular sa Clark at Subic.

Ayon naman kay DFA Assistant Director for United States Raymond Delfin na ang mga bumubuo ng nasabing task force ay nagmula pa sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na inatasang mangasiwa ng paglilinis sa toxic waste sa Clark at Subic.

Nabatid pa sa ulat ng DOH na may 300 pang mga pasyente na pawang mga biktima ng nakalalasong kemikal ang kasalukuyang nakaratay sa ibat-ibang pagamutan sa Pampanga at kasalukuyang nilalapatan ng lunas. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ASSISTANT DIRECTOR

CLARK AIR BASE

CLARK ESPECIAL ECONOMIC ZONE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

HAZARDOUS WASTES

JEFF TOMBADO

OLONGAPO CITY

PAMPANGA

REGIONAL OFFICE

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with