^

Probinsiya

Killer ni Agarao, patay na?

-
Dalawang araw nang patay ang kontrobersiyal na si Luisito San Juan, sinasabing pangunahing killer ni Atty. Clarence Agarao, asawa ni Carina Agarao, chairman ng Crusade Against Violence (CAV)?

Ito ang nabatid kay Mrs. Agarao sa isang panayam, batay anya sa pinakahuling ulat sa kaso ng kanyang asawa.

Samantala, sa panig naman ng pulisya, mariing itinanggi ni PNP Recom 4 director Lucas Managuelod na hindi bangkay ni San Juan ang natagpuan dahil sa ang nakita ay walang tattoo na hindi gaya ng kay San Juan.

Sa pahayag ni Mrs. Agarao dalawang bangkay umano ng lalaki ang natagpuan sa tambakan ng basura sa Lumban, Laguna at may dalawang araw na ang nakakalipas. Ayon umano sa kanyang witness, mismong si San Juan umano ang nakita niya sa punerarya na iniiyakan pa ng asawa nito.

Magugunitang si San Juan na nadakip kamakailan ay iniulat na tumakas noong nakalipas na Enero 21 sa kanyang piitan. Inakusahan ni Mrs. Agarao na ito ay sadyang pinatakas.

Tiniyak pa ni Mrs. Agarao na bangkay ni San Juan ang pinaglalamayan ng kanyang mga kamag-anak sa kanilang bahay sa Lumban, Laguna.

"Posibleng ibang bangkay ang sinasabi ni Gen. Managuelod o di kaya ay may milagro na namang nagaganap hinggil dito.

Iginiit naman ng PNP na ang sinasabing nakuhang bangkay sa Lumban ay hindi ang tumakas na suspect. (Ulat nina Angie dela Cruz at Joy Cantos)

vuukle comment

AGARAO

CARINA AGARAO

CLARENCE AGARAO

CRUSADE AGAINST VIOLENCE

JOY CANTOS

LUCAS MANAGUELOD

LUISITO SAN JUAN

LUMBAN

MRS. AGARAO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with