3 kidnappers napatay ng PAOCTF; 1 pa nadakip sa pagsagip ng 2 bata
February 3, 2001 | 12:00am
STO. DOMINGO, Albay  Tatlong miyembro ng kidnap-for ransom group na sangkot sa pagdukot sa dalawang batang anak ng isang bank executive ang nabaril at napatay ng mga tauhan ng Special Forces ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), habang isa pa nilang kasamahan ang nadakip sa isinagawang rescue operation kahapon ng umaga sa isang beach resort dito.
Samantala, agad namang isinugod sa Aquinas Hospital sa Legazpi City ang dalawang biktima na nakilalang sina Kevin Burgos, 9, at kapatid na si Stephen, 6, na bahagyang nagtamo ng sugat sa kanilang braso at katawan matapos na mabawi sa kamay ng kanilang mga abductors na nang-hostage sa kanila sa loob ng mahigit sa 24 oras.
Nakilala naman ang mga nasawing kidnappers na sina Rogelio Lopera; Efren Lopera at Rogelio Boras, pawang mga residente ng Brgy. Bayo, Manito, Albay.
Nadakip din ang sugatan nilang kasamahan na si Francisco Pranis.
Ang rescue operation ay isinagawa dakong alas-8:45 sa loob ng Room-C ng Reyes beach resort kung saan doon nila dinala at hinostage ang kanilang mga biktima .
Nabatid na humingi ng almusal ang mga suspect sa grupo ng mga negosyador na nakikipag-usap sa kanila para sa pagpapalaya sa mga bata. Sumabay ang assault team ng pulisya nang ipasok ang hininging pagkain ng mga suspect.
Tumagal lamang ng ilang segundo ang putukan hanggang sa bumulagta ang tatlo sa mga suspect, habang ang isa naman sa kanilang kasamahan ay hindi na rin nakapanlaban matapos na masugatan.
Isa ring miyembro ng Special Action Force na nagsagawa ng assault ang nasugatan.
Magugunitang tuluyang hinostage ng mga suspect ang bihag nilang mga paslit matapos na matunton ng mga awtoridad ang pinagdalhan sa mga biktima. Nakorner ang mga suspect sa loob ng naturang resort kaya hinostage nila ang kanilang mga kinidnap.
Ang dalawang bata ay dinukot noong nakalipas na Miyerkules nang lumabas ang mga ito sa paaralan. Sila ay anak ni Esmeraldo Burgos na manager sa isang malaking banko sa Albay.
Tumagal din ng mahigit sa 24 oras ang isinagawang negosasyon sa mga suspect na naunang humihingi ng halagang P2 milyon at sasakyan na gagamitin nila sa pagtakas.
Ang nasawing si Lopera ay sinasabing dating miyembro ng Sangguniang Bayan na tumakbong bise-alkalde sa kanilang bayan, gayunman hindi pinalad na magtagumpay.
May palagay ang mga awtoridad na maaaring nag-iipon muli ng pondo ang grupo ni Lopera para sa muli nitong pagtakbo.
Binati naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ginawang rescue operation ng mga tauhan ng pulisya sa insidente, sa kanyang isinagawang pagsasalita sa pagdiriwang na ika-10 annibersaryo ng PNP.
Ayon sa kanya minsan pang ipinakita ng PNP na sila ay tagapangalaga ng mga mamamayan. (Ulat nina Ed Casulla, Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended