^

Probinsiya

3 MILF rebels patay sa engkuwentro

-
Tatlong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng pamahalaan, habang dalawampu pa ang iniulat na sumuko sa lalawigan ng Maguindanao, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, napag-alaman na dakong alas-2 ng hapon habang nagsasagawa ng combat patrol ang isang grupo ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Lumabao, Pendatun, Maguindanao ng masumpungan nila ang labinlimang armadong rebelde.

Nauwi ang nasabing pagtatagpo sa mainit na sagupaan na tumagal ng mahigit sa apatnapung minuto na ikinasawi ng tatlo sa mga rebelde.

Narekober rin sa lugar na pinaglabanan ang isang garand rifle, isang M79 grenande launcher at mga bala.

Sa isa pang insidente, 20 pang miyembro ng MILF rebels ang iniulat na sumuko sa pamahalaan sa Barangay Arutue sa bayan ng Buldon.

Ang mga sumuko ay pinamumunuan ni Kumander Abdul Macasari, alyas Gerry.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng tatlong M1 garand rifle, isang cal.357 pistol, siyam na .38 cal. revolver at tatlong .22 cal. revolver pistol. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY ARUTUE

BARANGAY LUMABAO

BULDON

CAMP AGUINALDO

GERRY

JOY CANTOS

KASAMANG

KUMANDER ABDUL MACASARI

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with