^

Probinsiya

P100,000 reward sa killer ni Atty. Agarao

-
Nagpalabas kahapon ang PNP ng P100,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa pinagtataguang lugar ni Luisito San Juan na pangunahing suspect sa pagpaslang kay Atty. Clarence Agarao.

Ito ang inihayag kahapon ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza bilang tugon sa sentimyento ni Mrs. Carina Agarao, asawa ng nasawing biktima na kasalukuyang chairman ng Crusade Against Violence (CAV) hinggil sa umano ay mabagal na pagresolba ng pulisya sa nasabing kaso.

"Nag-offer ako ng P100,000 reward sa sinumang makapagtuturo kay San Juan, ipapalabas pa namin sa mga pahayagan ang kanyang larawan para makatulong sa paghahanap", pahayag ni Mendoza.

Matatandaan na si San Juan ay nakapuslit sa Laguna Provincial Jail noong nakalipas na Enero 21 o isang linggo matapos na maaresto ito ng mga awtoridad sa Lumban, Laguna na labis na ikinagalit ni Mrs. Agarao kung saan ay pinaghinalaan pa nitong kasabwat ang ilang opisyal sa PNP.

Maging si Mendoza na bagong hirang bilang PNP chief ay pinaghinalaan din nito kasabay nang pagsasabing kumpare umano nito ang utak sa pagpaslang sa kanyang asawa.

Sa panig naman ni Mendoza, iginiit nito na wala siyang kinalaman sa naganap na pagtakas ni San Juan katulad ng ipinaparatang sa kanya ni Mrs. Agarao. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CLARENCE AGARAO

CRUSADE AGAINST VIOLENCE

ENERO

JOY CANTOS

LAGUNA PROVINCIAL JAIL

LUISITO SAN JUAN

MENDOZA

MRS. AGARAO

MRS. CARINA AGARAO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with