Nagtalo sa piso, misis inutas ng albularyo
January 31, 2001 | 12:00am
LABO, Camarines Sur Buhay ang naging kabayaran sa pisong pagkakautang ng isang misis matapos siyang pukpukin ng isang malaking bato sa ulo hanggang sa mamatay matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo sa umanoy kanyang pinagkakautangang sa isang matandang albularyo, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ng nasawing ginang na si Marilou Grino, 45, ng Purok 2, Barangay Iberica ng nasabing bayan.
Agad namang nadakip ang pinaghihinalaang suspect na nakilalang si Macario Paytan, 80, isang albularyo at residente ng Barangay Mankayo, Vinzons, Camarines Norte.
Ang biktima ay natagpuang isa ng malamig na bangkay sa ilog ng Bical ng ilang barangay officials dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi. Ito ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo na pinaniniwalaang pinukpok ng isang matigas na bagay.
Sa panayam ng PSN kay Chief Inspector Antonio Freyra, Labo chief of police nabatid na nag-ugat ang pag-aaway ng biktima at suspect dahilan lamang sa sampung pisong pagkakautang ng una sa huli. Nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapatay ng matanda ang misis.
Sa tulong ng mga opisyales ng barangay agad na nasakote ang pinaghihinalaang suspect na ngayon ay nakapiit sa Labo District jail.
Mariin namang pinabulaanan ng matandang albularyo ang pagkakasangkot niya sa naganap na krimen. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest