P4 milyong halaga ng troso, nasabat
January 30, 2001 | 12:00am
Umaabot sa isang libong cubic feet na ilegal na troso at tinatayang nagkakahalaga ng P4-milyon ang nasabat ng militar matapos ang isinagawang operasyon sa Picong Wharf, Sultan Gumander, Lanao del Sur, kamakalawa.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, bandang alas-12 ng tanghali habang kasalukuyang nagpapatrulya ang mga elemento ng 28th Infantry Battalion (IB) sa palibot ng nasabing pantalan nang mamataan ang ilang cargo trucks na may lulang mahigit isang libong cubic feet na ilegal na troso na nakatakdang ipuslit mula sa nasabing daungan.
Nabatid na isang mapagkakatiwalaang informer ang nag-tip sa militar hinggil sa nagaganap na pagpupuslit ng troso sa nasabing daungan.
Agad na hinarang ng mga tauhan ni Lt. Col. Gregorio Catapang, hepe ng nasabing batalyon ang mga cargo trucks bago pa man ito tuluyang makapuslit. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended