2 barangay captain, patay sa rebels
January 30, 2001 | 12:00am
Dalawang barangay captain ang iniulat na binistay ng bala ng magkaibang grupo ng mga rebelde sa magkahiwalay na lugar sa Davao Oriental at Sumisip, Basilan.
Nakilala ang mga pinaslang na barangay captain na sina Esmeraldo Basoc ng Brgy. Batawan, Banganga, Davao Oriental at Karim Arsad ng Brgy. Tongsengal ng Sumisip, Basilan.
Base sa ulat, ang unang insidente ay naitala dakong alas-10:50 ng umaga habang ang biktimang si Arsad, kasama ang isang grupo ng mga sibilyan ay patungo sa karatig barangay nang bigla na lamang paulanan ng punglo ng mga armadong suspect na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) lulan ng tatlong motorsiklo sa Brgy. Sapah Bulak, Sumisip, Basilan.
Sa naturang insidente, pinuruhan at napatay si Arsad. Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang posibleng motibo sa naganap na pamamaslang.
Samantala, sa isa pang insidente, niratrat at napatay din ng mga rebeldeng NPA si Basoc sa Brgy. Batawan, Banganga, Davao Oriental.
Batay sa ulat, kasalukuyan umanong nagpapahinga sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pasukin ng mga suspect.
Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspect ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
Matapos matiyak na napatay na nila ang target ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am